first dance

 

Free Will Smith Music | Free music ringtones at EZ-Tracks.com

 

**

 

Now. THIS. was. hard. hahaha

 

**

 

“Ano, game?”

 

Bakit kaya tuwi na lang magsasalita siya, parang parating kumakanta ang Backstreet Boys sa utak ko>

 

“Ok na ko,” ang pilit kong protesta. “Kayo na lang, sige.” Tumayo siya at nag-pout sa akin.

 

“K.J. ka, Kiko!!”

 

Sabay sa pagtayo niya, pinatugtog ng DJ ang klasik na kanta ni Will Smith.

 

“Oh my god, napaka high school!!” Sumayaw sila sabay nio Tina sa gitna ng make-shift na dance floor sa bahay ni Toper.

 

Kahit medyo madilim, pansin ko pa rin ang paglingon at pagnigit niya sa kain. Natutuwa lang ba siya sa pagka-nerdo ko? O natututunan na rin ba niya akong magustuhan?

 

Pwede ko na ba siyang sayawan? Tapos, sasabayan na rin niya ako? Pwede ko na kaya siyang yayain mag-date? At dalhin sa simbahan? Pwede ko na kayang planuhin ang binyag ni Lea Jr o Kiko Jr? Pwede na ba kaming tumangdang magkayakap…

 

“KIKO!” Naupo siya sa tabi ko at palarong hinampas ang hita ko. “Tuliro ka nanaman?!”

 

HINAWAKAN AKO NI LEA!

 

“Hindi… ano… naisip ko… natuwa lang ako… ano –“

 

“Ano?! Nakatitig ka nanaman kay Lea kasi kaya nauutal ka. Hahaha.”  Naknam, Tina… wala namang laglagan.

 

‘”Hindi noh!” Kamusta naman ang pagiging obvious mo, Kiko. Ayusin mo sarili mo.

 

“Ok lang, Tina, ano ka ba.” Ok lang daw! Pwede na nga siguro.

 

Eto na ‘to. Game na.

 

“Sayaw tayo, Lea?” Pare, ang tapang ko!

 

“Sige.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako papunta sa gitna.

 

From the first day…

That I saw your smiling face…

“Backstreet Boys?!” Bumungisngis siya.

 

“Next song na lang?” Akala ko imagination ko nanaman ung kanta.

 

“Hindi, ok lang.” At nilagay niya ang mga braso niya sa balikat ko.

 

 

© Maia Vida: February 9, 2010